Pagluha
Natutong umibig sa isang katulad mo
Walang bisyo at tunay na maginoo
Nagbakasakaling ako’y iyo ring mahal
Tanging pagluha ang kinahantungan
Panahon ay pinalipas upang sugat
Ay lubusang maghilom hanggang sa ugat
Nagpumilit at nagpanggap…
Lumimot at naghanap…
Upang sa dakong huli
Tuluyang yakapin ang pighati
Umiyak sa mga alaalang nalalabi
Kasama ng pag-asam na tayo ay magkikitang muli…
*** jEvELyN ***