… SiNo Ka? …

3_3sa tuwina’y nakangiti ka
kay saya at kay sigla
isipa’y nagtatanong, sino ka?
Maaari ka bang makilala?
anumang problema iyong kinakaya
likas na matatag at sadyang palaban
kahit mahirap nagagawang tumawa
tunay ngang kakaiba ka!
lubos kitang hinangaan
katangian mo’y walang katulad
ngunit tila nag-iba ang taglay mong ganda
lumamlam ang kislap ng iyong mga mata
sa bawat sulyap aking napansin
masigla mong ngiti ngayo’y naging kimi
ayaw makisalamuha at nanahimik sa tabi
sino kang talaga, maaari ka bang makilala?
bakit bigla kang nagbago?
sadyang tumigas maging ang iyong puso
padalos-dalos at naging agresibo
nakipaglaro sa magulong mundo
simpleng pagsubok agad kang sumusuko
pilitin mo mang humalakhak at umindak
sadyang walang buhay, kasingkulay ng uwak
Kalungkutan mo’y damang-dama ko!
Maaari bang huwag kang lumayo,
Nais kong malaman ang katotohanan
Lahat ba nang ito’y isang pagbabalatkayo?
Sino ka, maaari ka bang makilala?
- jEvELyN -
050207   1:20pm

Leave a Reply