kalungkutan ko
Hindi ko maiwasang mag-isip, malito at higit sa lahat ang matakot ng may pag-aalala.
Kay saya ko nitong mga nakaraang araw, higit lalo noong nakaraang biernes, ngunit tila ang lahat ay sadyang may kapalit. Mula kaninang umaga sa aking paggising kakaibang lungkot ang bumabalot sa aking puso. Hindi magawang itago ang naradama kong ito. Pilit kong binibigyang buhay ang pagak kong mga tawa, nagsisikap magsaya ngunit hindi kayang magtimpi at muling naluluha.

Bakit hindi kayang angkinin ang ganap at wagas na kaligayahan?
Bakit kay hirap daanin sa biro ang lahat? At tama bang gawing biro ang sakit na nadarama?
Minsan pa ako’y nangungulila, naghahanap at pagkaminsa’y nadarapa, hanggang kailan magpupumilit ang nagpupuyos kong kalungkutan? Patuloy bang babalong ang luhang dala ay kapighatian?